Totoo bang may happy ending?
bakit ko naitanong? kasi hanggang ngayon, sabihin man ng marami na makitid ang utak ko, ay hindi pa ako nakakakita ng nilalang na nagkamit ng maalamat na happy ending na yan.
may namamatay ba talagang masaya? bukod siguro sa mga may tinatakasang utang, pero...hindi rin siguro sila masaya dahil matakasan man nila ang utang nila, mawawalay naman sila sa mga mahal nila sa buhay. maari rin siguro kung ang mga taong ito ay walang mahal sa buhay at galit sa mundo...pero...kung ganun nga yun, mas malungkot kasi walang maglilibing sa kanya..walang pupunta sa burol at ang masaklap pa ay walang magsasakla...waang kape at biskwit..
Meron nga kayang Happy ending?
madalas maririnig mo ang happy ending sa mga fairytales, kung saan saang vandal sa mga pampublikong palikuran o CR, mga pelikulang pangkomedya at mga kwentong pinauuso ng disney.
ang mga ito ay kadalasa'y kathang isip lamang...tulad na lang nina sharon at Gabby..pops at martin...brix at amy...lotlot at monching..barbie at ken...
hindi natin masasabi na meron ngang happy ending...
kasi...
hindi naman sila naging happy...
kaya maaga ang ending....
No comments:
Post a Comment